Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang karagatang malapit sa Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental nitong Sabado, July 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Batay sa Earthquake Information No. 1 ng PHIVOLCS, naitala ang lindol bandang alas-2:46 ng hapon. Natukoy ang epicenter nito sa layong 74 kilometro timog 10 digri kanluran ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental, at may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

Ayon sa PHIVOLCS, ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 7.8 na lindol sa karagatan ng Sarangani at magnitude 6.5 na lindol sa karagatan ng Davao Occidental na naganap noong Hunyo 2026.

Wala namang inaasahang pinsala o tsunami dulot ng naturang pagyanig.