Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsasagawa ng Synchronized Province-Wide Baklas Operation kahapon Agosto 3, 2026 kaugnay ng nalalapit na 2026 BARMM Parliamentary Elections.
Batay sa inilabas na paunawa, layunin ng operasyon na tanggalin ang mga tarpaulin, poster, banner, at iba pang iligal na campaign materials na nakapaskil sa buong Maguindanao del Norte, kabilang ang Cotabato City.
Saklaw ng baklas operasyon ang mga campaign materials na nakalagay sa labas ng itinakdang common poster areas, nakapaskil sa mga pampublikong lugar kung saan ipinagbabawal ang paglalagay ng campaign materials, mga oversized campaign materials, at mga materyales na hindi yari sa tela, papel, karton, o iba pang recyclable materials.
Hinikayat din ng COMELEC ang lahat ng mga partido, kandidato, at organisasyong kalahok sa BARMM Parliamentary Elections 2026 na makipagtulungan at suportahan ang naturang operasyon alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11086 at umiiral na mga batas sa halalan.

















