Pormal nang kaanib ng mas lumalaki at yumayabong na 4 Bangsamoro Federalist Party o BFP ang apat sa tinaguriang top provincial officials ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos na manumpa ang mga ito sa isang simpleng seremonya sa dako ng Shariff Kabunsuan Convention Center sa loob ng Bangsamoro Government Center, Cotabato City kaninang umaga, Agosto 16. ‎‎

Mismong si BARMM Chief Minister at BFP Party Chairman- President Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua ang nangasiwa ng panunumpa nina Maguindanao Del Norte Governor Datu Tucao Mastura, Maguindanao Del Sur Governor Datu Ali Midtimbang, Tawi-Tawi Islands Governor Yshmael “Mang” Sali at Basilan Vice Governor Jim Hataman Salliman. ‎‎

Sa naging paunang talumpati, iginiit ni BFP Cotabato City Chapter President at BTA MP Atty. Naguib Sinarimbo na isang pagtupad sa nilalaman ng parehas na Bangsamoro Organic Law o BOL at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB ang magaganap na halalan sa Setyembre 14.

‎‎”Ang BOL at CAB po ay nagtatakda kung kailan matatapos ang transition at pagkatapos noon at pagkatapos noon ay kailangan ang importanteng step na gagawin natin ay ifulfill natin ang provision ng BOL at CAB na magkaroon ng eleksyon.” saad ni Sinarimbo. ‎‎

Dagdag pa ng mambabatas na tanggap ng lahat ang transition period ay nakalaan sa pamumuno ng MILF ngunit ang regular na eleksyon ay dapat maging malaya at majority maging ang pagoorganisa ng parliamento. ‎‎

Ipinaliwanag din nito ang disenyo ng BFP na pagkaisahin ang lahat para manalo at isulong ang interes ng Bangsamoro sa gobyerno. ‎‎

“Ang disenyo ng political party natin ay pagkaisahin ang lahat, para manalo sa eleksyon at hawakan at gobyerno. Kaya sa partido natin, nakikita natin ang pagkakaisa ng revolutionary group, local leaders at traditional leaders dahil ito ang disenyo ng ating partido. ” dagdag ni Sinarimbo. ‎‎

Samantala, sa naging talumpati ni ICM Macacua ikinatuwa nito ang pagkakaisa ng bawat Bangsamoro para sa Good Governance at malinis na gobyerno. ‎‎Ayon pa kay CM Macacua, isang matatag na pundasyon ang pagkakaisa ng bawat isa upang makamit ang isang progresibong Bangsamoro.

‎‎”It is with great honor to unite with each of you in our shared goal for the Bangsamoro. Our unity is the foundation to achieve good governance in our region” paunang pahayag ni Macacua.

‎‎Sinariwa din ni Macacua ang mga kaganapan kahapon kung saan naging makasaysayan ang panunumpa nito bilang bagong kasapi ng Bangsamoro Federalist Party at pagsasalin ng tungkulin bilang bagong pangulo at Chairman ng partido.‎‎

Nagbiro pa ang Chief Minister ukol sa naganap na tangkang pananambang sa kanya kahapon kung saan iginiit nito na ayaw na nyang pag-usapan pa ang nasabing pagtatangka.

‎‎Saad ng Chief Minister, hindi pa raw niya kapalaran ang nasabing pagtatangka ng pananambang. ‎‎

“Baka inaantay nyo sabihin yung nangyari sa akin kahapon. Hindi natin topic yun. Kasi hindi pa daw dumating ang kapalaran. Kaya ngaa dumating amg kapalaran. ” biro ni Macacua.‎‎

Inilahad ni Macacua ang tunay na rason ng pagsali sa BFP sabay giit nito na sinasalamin ng partido ang autonomiya na mayroon ang rehiyon.‎‎Sa panghuli, sinabi ni Macacua na ang BFP ang approriate platform na kayang gawin ang mga probisyon ng CAB sabay imbita nito sa lahat na makiisa sa naisin ng BFP bilang partido para sa Bangsamoro.‎‎

“I invite all of you in our quest for robust and self determination Bangsamoro. Walking together with the realization of our shared dreams let us not view ourselves as a separate province of parties but as one unified, committed to good governance and well being of our people” saad ni Macacua. ‎‎

Hinimok naman ni Macacua ang lahat na sagutin ang tawag ng Pederalismo sa rehiyon. ‎‎

“I urge the political leaders and community members to support Federalism on the Bangsamoro.” pang huling salita ni Macaacua.

‎‎Sa huling pananalita, iginiit ni MILG at BFP Campaign Manager Jordan Bayam na sa halalang magaganap ngayong Setyembre 14, may karapatan nang singilin ng ordinaryong Bangsamoro ang mga opisyal na magloloko o hindi tutupad sa kanilang mandato. ‎‎

Ayon kay Bayam, ang mandato ay may kadikit na pananagutan o accountability. ‎‎

“Accountability starts with a mandate. ” saad ni Bayam. ‎‎

Hindi rin nito pinalampas at ginawa ni Bayam na manawagan sa lahat ng kalahok na partido na pagsabihan ang kanilang mga taga suporta na wag daanin sa pakikipagaway at dahas ang istilo ng kampanya sa halalan dahil di pagbabawas ang eleksyon kundi ito ay pagdaragdag ng boto at suporta. ‎‎

Pagbababala din ni Bayam, mananatili sa pagkakawatak watak ang bawat isa kung di maisasaayos ang estilo ng bawat isa tuwing halalan.

‎”This political intramurals that are about to happen will further divide us if we are not able to manage it well.” babala ni Bayam. ‎‎

Hinimok din ni Bayam ang Bangsamoro na upang marinig ang boses ng bawat Bangsamoro at upang magkaroon na ng Mandato ang bawat mamumuno dapat ay lumahok ang bawat mamamayan sa September 14 elections.