Inaprubahan ng Commission on Elections o COMELEC ang pagpaparehistro ng online campaign platforms ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP para sa Bangsamoro Parliamentary Elections na nakatakda sa Setyembre 14, 2026.
Ayon sa UBJP, mahalaga ang naturang approval upang matiyak ang transparent, responsable at accessible na pagbibigay ng impormasyon sa mga botante habang papalapit ang halalan.
Layunin din umano nitong mapanatiling informed at aktibong nakikibahagi ang mga Bangsamoro sa proseso ng halalan.
Sa pamamagitan ng mga online platform, nais ng UBJP na magsilbing tulay ang kanilang mga digital channel sa pagitan ng partido at ng publiko para maipabatid ang kanilang mga mensahe, programa at mga adhikain para sa isang mapayapa, nagkakaisang at progresibong Bangsamoro.
Patuloy naman ang paghahanda ng mga kandidato at political parties para sa nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14.

















