‎Sa probisyon ng Bangsamoro Organic Law ang katayuan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM bilang isang autonomous political entity na pinamamahalaan sa ilalim ng batas.

‎Ang paglilinaw ay mahalaga kasunod ng kumakalat na online narrative na nag-uugnay sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB sa ideya na ang BARMM ay eksklusibong nakalaan sa isang organisasyon.

‎Totoo na ang CAB ay bunga ng peace negotiations sa pagitan ng Government of the Philippines at Moro Islamic Liberation Front o MILF, at naging mahalagang bahagi ito ng prosesong pangkapayapaan na humantong sa pagtatatag ng Bangsamoro political entity.

‎Gayunman, ang kasunduang pangkapayapaan ay kailangang tingnan kasama ng mga batas na nagtatag at nagtakda ng political structure ng BARMM.

‎Sa ilalim ng Republic Act No. 11054 o Bangsamoro Organic Law, kinilala ang BARMM bilang isang political entity at itinakda ang estruktura ng pamahalaan nito, kabilang ang Parliament at mga mekanismo para sa political representation.

‎Nakasulat rin sa batas ang iba’t ibang uri ng representasyon sa Parliament, kabilang ang mga kinatawan mula sa parliamentary districts, political parties, at reserved at sectoral representatives.

‎Kabilang sa mga itinalagang sectoral representation ang mga kinatawan para sa non-Moro Indigenous Peoples at settler communities, gayundin ang mga sektor ng kababaihan, kabataan, traditional leaders at Ulama.

‎Samantala, sa mga prinsipyo ng Bangsamoro peace process, binigyang-diin ang pagkakaroon ng democratic participation at isang political system na nagbibigay ng pagkakataon para sa political participation.

‎Dahil dito, mahalagang paghiwalayin ang peace agreement, ang MILF bilang peace negotiation partner, at ang BARMM bilang political entity na itinatag sa ilalim ng batas.

‎Ang MILF ay naging pangunahing partner ng national government sa peace negotiations na humantong sa CAB.

‎Ang BARMM naman ay isang autonomous political entity na ang government structure, political representation at electoral mechanisms ay itinakda sa pamamagitan ng batas.

‎Sa madaling salita, may malinaw at mahalagang papel ang MILF sa Bangsamoro peace process, ngunit ang kasalukuyang political structure ng BARMM ay nakabatay sa Constitution, Bangsamoro Organic Law at iba pang umiiral na batas.

‎Kaya, ang pahayag na ang CAB ay bahagi ng peace process sa pagitan ng GPH at MILF ay may factual basis.

‎Ngunit ang pagtingin sa BARMM bilang isang political entity na eksklusibong nakalaan sa isang organisasyon ay kailangang suriin laban sa mismong mga probisyon ng batas na nagtatakda ng political representation at participation sa Bangsamoro.

‎Sa halip na pag-aari ng isang grupo, ang BARMM ay isang autonomous political entity na pinamamahalaan sa ilalim ng batas at may mga mekanismo para sa representasyon at political participation ng iba’t ibang sektor.

‎Ang mahalagang papel ng MILF sa peace process ay bahagi ng kasaysayan ng pagkakatatag ng Bangsamoro political entity. Ngunit ang BARMM bilang isang pamahalaang autonomous ay umiiral sa ilalim ng batas at ng mga institusyong itinakda nito.