Dagdag-depensa ang ipinadala ng 10th Infantry Division ng Philippine Army para patibayin ang seguridad sa 2026 BARMM Parliamentary Elections.
Ipinakalat ng 10ID ang mga tauhan mula sa 67th Infantry Battalion at 102nd Division Reconnaissance Company bilang dagdag-pwersa sa mga umiiral na security operations sa Bangsamoro.
Isinagawa ang send-off ceremony kahapon Agosto 30 sa Division Headquarters ng 10ID sa Camp General Manuel T. Yan Senior sa Barangay Tuboran, Mawab, Davao de Oro.
Ang karagdagang tropa ay tutulong sa election security operations ng 6th at 11th Infantry Divisions sa kani-kanilang areas of responsibility.
Layunin ng karagdagang deployment na makatulong sa pagpapanatili ng ligtas, mapayapa, maayos at kapani-paniwalang halalan sa Bangsamoro.

















