Idineploy na ang buong 67th Infantry “Agila” Battalion sa area of responsibility ng 601st Infantry Brigade sa Maguindanao del Sur bilang dagdag-puwersa sa seguridad para sa Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14.
Pinangunahan ni 601st Brigade Commander Brigadier General Gremel B. Brual ang send-off ceremony para sa mga tauhan ng batalyon bago ang kanilang pagtalaga sa mga security sector.
Kabilang sa mga lugar na pagtutuunan ng seguridad ang Datu Piang, Shariff Aguak at Ampatuan.
Binigyang-diin ni Brual na tungkulin ng mga sundalo na tiyaking ligtas at mapayapa ang lugar upang malayang makaboto ang mga residente, habang nananatiling disiplinado, propesyonal at apolitical.
Makikipag-ugnayan naman ang 601st Brigade sa PNP, COMELEC, mga lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders upang mapanatili ang peace and order at matiyak ang ligtas at maayos na halalan.

















