Dumalo ang tinatayang 1,200 katao sa campaign rally ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, kamakalawa.
Isinagawa ang pagtitipon sa Kulliyat Irshad Gym sa Barangay Calsada, kung saan nagtipon ang mga miyembro at tagasuporta ng partido bilang bahagi ng kampanya para sa unang Bangsamoro Parliamentary Elections.
Nagpahayag naman ng suporta sa partido ang mga dumalo mula sa iba’t ibang komunidad habang papalapit ang halalan sa Setyembre 14, 2026.
Layunin ng mga campaign activity na maipakilala sa mga botante ang mga kandidato, plataporma at programa ng mga partidong kalahok sa parliamentary elections.
Bahagi ang naturang pagtitipon ng nagpapatuloy na mga aktibidad pangkampanya ng mga partidong kalahok sa unang regular na halalan para sa Bangsamoro Parliament.

















