Pinahusay ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o PDEA-BARMM ang kakayahan ng mga drug enforcement officer nito sa pagresponde sa medical emergencies kasunod ng tatlong araw na Combat Medic and After-Care Management Training.

Isinagawa ang pagsasanay sa pakikipagtulungan ng PDEA-BARMM at 6th Infantry Division ng Philippine Army at matagumpay itong nagtapos kahapon, Setyembre 10, 2026.

Kabilang sa mga itinuro sa training ang tamang pagsusuri sa kondisyon ng nasugatan, trauma management, emergency response, evacuation procedures at iba pang lifesaving techniques na maaaring gamitin sa mga mapanganib na operasyon.

Layunin ng pagsasanay na matiyak na may sapat na kaalaman at kasanayan ang mga personnel sa pagbibigay ng agarang medical assistance sakaling magkaroon ng emergency habang isinasagawa ang kanilang operasyon.

Ayon kay PDEA-BARMM Regional Director Edgar T. Jubay, mahalaga ang kahandaan at pagtutulungan ng mga personnel upang maprotektahan ang kanilang kaligtasan at maging mas epektibo ang mga operasyon.

Bahagi rin ang naturang training ng patuloy na pagtutulungan ng PDEA-BARMM at Philippine Army sa pagpapalakas ng operational readiness at lifesaving capabilities ng mga law enforcement personnel bilang suporta sa kampanya kontra ilegal na droga.