Ipinamalas ng mga tagasuporta ni ICM Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua ang kanilang pagkakaisa sa isinagawang caravan sa District 3 ng Maguindanao del Norte.

Umiikot ang grupo sa ilang bahagi ng distrito bilang bahagi ng kanilang pagpapahayag ng suporta sa kandidatura ni Macacua para sa nalalapit na BARMM Parliamentary Elections sa Setyembre 14.

Naging bahagi rin ng aktibidad ang pag-iikot ng mga supporter sa mga komunidad na sakop ng distrito, ilang araw bago ang itinakdang halalan.

Ang caravan ay kabilang sa mga aktibidad na isinasagawa ng mga tagasuporta ng mga kandidato at partido bilang bahagi ng panahon ng kampanya para sa unang Bangsamoro Parliamentary Elections.