Diyalogo ang naging sentro ng pagpupulong ng Army at ni Hon. Abdullah G. Macapaar o Commander Bravo sa Munai, Lanao del Norte, sa gitna ng sensitibong sitwasyon sa lugar.
Nagkita kahapon Setyembre 10 sina LTC Jeremy D. Damonsong, Commanding Officer ng 44th Infantry Battalion ng Philippine Army, at Commander Bravo para sa maayos na pakikipag-ugnayan at koordinasyon.
Binigyang-diin sa kanilang pag-uusap ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon at mutual respect sa pagitan ng mga peace stakeholders upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at mapanatili ang katatagan sa mga komunidad.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang 44th Infantry Battalion sa mga lokal na lider at komunidad sa kanilang area of responsibility sa Munai, kabilang ang paligid ng Camp Bilal, sa pamamagitan ng mga itinatag na communication at peace engagement channels.
Layunin ng mga naturang hakbang na mapanatili ang kalmado, maiwasan ang hindi kinakailangang tensyon at mapangalagaan ang seguridad ng mga komunidad sa Lanao del Norte.
Sa gitna ng sensitibong sitwasyon, nananatiling mahalaga ang diyalogo, koordinasyon at kooperasyon upang mapanatili ang kapayapaan sa lugar.

















