Umabot sa 84.34 porsyento ang voter turnout sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections na ginanap noong Setyembre 14, 2026.

Ayon sa Commission on Elections o COMELEC, mas mataas ito sa kanilang inaasahang 80 porsyentong voter turnout para sa makasaysayang halalan sa Bangsamoro.

Itinuturing itong final voter turnout para sa 2026 BARMM Parliamentary Elections, kung saan unang bumoto ang mga Bangsamoro para sa kanilang mga kinatawan sa Bangsamoro Parliament.

Samantala, patuloy naman ang proseso ng proklamasyon sa mga nanalong kandidato sa unang parliamentary elections ng BARMM.