Malaking abala ngayon sa mga residente, konsumidores at sa mga establisyemento ang madalas na pagkasira ng linya ng Cotabato Light partikular na sa bahagi ng City Enginering Office sa MB Rosary Heights nitong lungsod.

Kung maalala, pitong oras nawalan ng kuryente ang lugar ng may pumutok sa linya ng CoLight. Hindi rin ito ang unang beses na nagkaroon ito ng problema at daan daang katao na maging mga negosyo ang nagreklamo sa nangyayari dito.

Umaasa naman ang mga kunsumidor ng Colight na magawan ito ng paraan ng mismong energy company para di na ito makaabala sa mga taong nagbabayad ng tama at nasa oras ng electric bill at gumagamit ng wasto sa kuryente na kanilang hatid.