Nanawagan si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa publiko na manatiling mapagmatyag at iwasang magpakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng takot sa mga mamamayan, ilang araw bago ang inaugural session ng Bangsamoro Parliament sa Oktubre 30.

Sa panayam ng Star FM Cotabato, hinimok ng alkalde ang publiko na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa halip na magbahagi ng mga hindi kumpirmadong ulat sa social media.

Tiniyak din ni City Mayor Matabalao na sa kabila ng mga kumakalat na usap-usapan tungkol sa posibleng kaguluhan at umano’y “Marawi Siege Part 2” sa Cotabato City, wala siyang nakikitang dahilan upang maging magulo ang nakatakdang aktibidad, dahil sa koordinasyon ng lokal na pamahalaan, pamahalaang panrehiyon ng BARMM, pulisya at militar.

Hiniling din ng alkalde sa publiko na manatiling kalmado at magkaisa, at suportahan ang sinumang mahalal na Chief Minister upang maisulong ang kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro.