Nasamsam ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 3.4 milyong piso sa isang joint buy-bust operation sa Barangay Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi, noong Oktubre 16, 2026.
Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon kasama ang Bongao Municipal Police Station at 4th Marine Rifle Battalion laban sa mga indibidwal na hinihinalang sangkot sa pamamahagi ng ilegal na droga.
Ayon sa ulat, matapos ang transaksyon, naghinala umano ang mga suspek na mga operatiba ang kanilang kausap kaya nagtangka silang tumakas, na nauwi sa maikling palitan ng putok at nakatakas ang mga suspek.
Nasa kustodiya na ng PDEA Tawi-Tawi ang nakumpiskang hinihinalang shabu para sa dokumentasyon at wastong disposisyon, habang nagpapatuloy ang follow-up investigation at manhunt operation upang matukoy at maaresto ang mga tumakas.

















