Nilansag ng Philippine Drug Enforcement Agency–Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA BARMM) ang isang hinihinalang drug den at inaresto ang limang indibidwal sa Barangay Sapad, Matanog, Maguindanao del Norte, kahapon Oktubre 22, 2026.
Sa operasyon, nakumpiska ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 21.5 gramo at halagang P146,200. Narekober din ang mga drug paraphernalia, isang cellphone, identification card, at perang ginamit sa buy-bust operation.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Datu King, 53-anyos, at Gyor,54-anyos, na kapwa tinukoy na tagapangasiwa ng hinihinalang drug den; Sima, 47-anyos; Ben, 18-anyos; at Macmod, 45-anyos.
Pinangunahan ng PDEA BARMM Maguindanao del Norte Provincial Office ang operasyon, katuwang ang Regional Intelligence Unit 15, 1401st Regional Mobile Force Battalion 14-A, Matanog Municipal Police Station, at PNP Drug Enforcement Group–Special Operations Unit 15.
Nahaharap ang mga naaresto sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 12 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

















