Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 12 ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,651,600 sa isang buy-bust operation sa Barangay Silway 8, Polomolok, South Cotabato, noong Oktubre 21, 2026.

Ayon sa PDEA, nakumpiska sa operasyon ang 11 sachet ng puting kristal na hinihinalang shabu at isang tunay na P1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Target ng operasyon ang isang indibidwal na kilala sa alyas na Gaga, ngunit nakatakas ito at hindi naaresto.

Narekober naman ng mga awtoridad ang buy-bust money at nagpapatuloy ang hot pursuit operation upang matunton at maaresto ang suspek.

Isinagawa ang operasyon ng Regional Special Enforcement Team ng PDEA Region 12, katuwang ang PDEA Sultan Kudarat Provincial Office at Polomolok Municipal Police Station.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.