Binuag ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 12 ang isang hinihinalang drug den sa General Santos City, na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong indibidwal at pagkakasamsam ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P106,760.
Isinagawa ang operasyon noong Oktubre 21, 2026, sa Lacap Subdivision, Purok Lower Malakas, Barangay San Isidro, sa koordinasyon ng General Santos City Police Office-Police Station 4.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Jr, 37-anyos, na hinihinalang tagapangasiwa ng drug den; Dondon, 26-anyos, na umano’y bumibisita sa lugar; at Jak,26-anyos, na kinilalang empleyado ng hinihinalang drug den.
Nasamsam sa operasyon ang pitong sachet ng puting kristal na hinihinalang shabu, isang tunay na P1,000 bill, dalawang cellphone, at mga drug paraphernalia.
Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

















