Pinalawak ng militar ang pagbabantay sa himpapawid ng Cotabato City kahapon, Oktubre 28, bilang bahagi ng mga hakbang panseguridad bago ang inaugural session ng Bangsamoro Parliament sa Oktubre 30.
Sa pangunguna ni 6th Infantry Division at Joint Task Force Central Commander BGen. Edgar Catu, isinagawa ang aerial surveillance upang mamonitor ang sitwasyon sa lungsod at matukoy ang mga posibleng banta sa seguridad.
Nakiisa rin sa operasyon ang Tactical Operations Group 12 ng Philippine Air Force at Task Force 92 bilang suporta sa mga hakbang na naglalayong mapanatili ang kaayusan sa panahon ng pagtitipon ng mga mambabatas.















