Lumahok ang Maguindanao del Norte Police Provincial Office (MDN PPO) sa Lessons Learned Session kaugnay ng unang halalan sa Bangsamoro Parliament na ginanap sa Pagana Kutawato, Cotabato City kahapon Oktubre 26, 2026.

Pinangunahan ni Provincial Director PCOL George D. Bagundol Jr. ang paglahok ng MDN PPO sa pagsusuri kasama ang mga kinatawan ng peace mechanisms ng pamahalaan, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang katuwang sa seguridad.

Tinalakay sa pulong ang naging deployment ng mga puwersang panseguridad, koordinasyon ng mga ahensya at mga hamong kinaharap sa halalan sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Special Geographic Area at Cotabato City.

Layunin ng pagpupulong na matukoy ang mga aral at rekomendasyon para mapahusay ang pagpaplano at seguridad sa mga susunod na halalan, gayundin ang koordinasyon sa mga komunidad at mga grupong nagsusulong ng kapayapaan.