Naniniwala umano si Senate President Sherwin Gatchalian na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan at matagal nang inaasam na pag-unlad ng ekonomiya ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM. 

Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng inaugural session ng mga miyembro ng Bangsamoro Parliament, kung saan nahalal si Abdulraof Macacua bilang chief minister.

Binati ng Senate President ang bagong liderato ng BARMM at nagpahayag ng kumpiyansang maisusulong nito ang mabuting pamamahala at mga programang magpapabuti sa kabuhayan at kapakanan ng mga residente.

Hinimok din niya ang mga grupong pampolitika, civil society organizations at mga lokal na pamahalaan na suportahan ang bagong administrasyon ng BARMM upang matiyak ang katatagan at pag-unlad na pakikinabangan ng lahat.

Binigyang-diin ni Gatchalian, matagal nang inaasam ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa BARMM at sa buong Mindanao.