Nagpaabot ng pasasalamat si MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim sa mga Bangsamoro sa patuloy na pagtitiwala, suporta at pakikiisa sa kanilang pagsusulong ng kapayapaan.

Sa kanyang pahayag sa ngalan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at United Bangsamoro Justice Party o UBJP, kinilala ni Murad ang patuloy na pagsama ng mamamayan sa landas ng kapayapaan at sa layuning makapagtayo ng mas maunlad at matatag na Bangsamoro.

Binigyang-diin din niya na marami pang kailangang gawin upang maisulong ang mga reporma, Moral Governance at makabuluhang kaunlaran sa rehiyon.

Muli namang tiniyak ni Murad ang patuloy na paglilingkod ng kanilang hanay sa mga Bangsamoro at sa mga komunidad, kasabay ng panawagan na patuloy na makiisa ang mamamayan sa pagtatayo ng isang mapayapa at maunlad na Bangsamoro.