Ginawaran ng pagkilala sa larangan ng progresibo at napapanatiling pamamahala si Cotabato City Mayor Mohammad Ali “Bruce” Matabalao sa Global Heroes Awards 2026.

Ipinagkaloob sa kanya ang Global Heroes Award of Impact in Advancing Progressive and Sustainable City Governance sa seremonyang ginanap sa Okada Manila noong Oktubre 30.

Anak niyang si Ahad Matabalao ang tumanggap ng parangal sa kanyang ngalan.

Itinampok din ang alkalde sa unang edisyon ng The Rise of Climate Neutral Heroes, isang publikasyong nagbibigay-pagkilala sa mga lider na nagsusulong ng sustainable governance at community development.