Nagsagawa ng turnover ng mga hindi lisensiyadong baril o loose firearms ang 6th Marine Rifle Battalion (6MRBn) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan, seguridad at kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Pinangunahan ang aktibidad ni COL Ramil B. Densing PN(M)(GSC), Deputy Brigade Commander ng 1st Marine Brigade, sa pangangasiwa ng 6MRBn.
Layunin ng hakbang na mapigilan ang pagkalat at posibleng maling paggamit ng mga hindi lisensiyadong armas sa pamamagitan ng pagtutulungan ng militar at iba pang mga stakeholder.
Ayon sa batalyon, bahagi ito ng kanilang patuloy na pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga komunidad upang mapanatili ang isang ligtas at mapayapang Cotabato City.

















