Patuloy ang isinagawang search and rescue operation kagabi, Nobyembre 3, para mahanap ang isang buntis na babae na nahulog sa tubig matapos umanong tumalon mula sa tulay na nag-uugnay sa Datu Piang at Nabalawag.
Kinilala ang biktima na si alyas Aleh, batay sa kumpirmasyon ng mga kinauukulang awtoridad at ng kanyang pamilya.
Pinagsanib na puwersa sa operasyon ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices o MDRRMO ng Nabalawag at Datu Piang, kasama ang kani-kanilang mga rescue personnel.
Katuwang din nila ang Nabalawag Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection at Philippine Army sa pagsasagawa ng paghahanap at rescue operation.
Samantala, nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na manatiling kalmado, makipagtulungan sa mga kinauukulan at iwasang magpakalat ng mga impormasyong hindi pa beripikado habang nagpapatuloy ang paghahanap.

















