Makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Cotabato City sa Linggo, Nobyembre 22, 2026, bunsod ng nakatakdang pagsasaayos at pag-upgrade ng mga linya ng kuryente.
Batay sa abiso ng Cotabato Light and Power Company, isasagawa ang power interruption mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-2:59 ng hapon.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Tamontaka 1 to 5, Tamontaka Bubong Rd., NDH, People’s Palace, CRMC at mga karatig na lugar.
Ayon sa kumpanya, layunin ng aktibidad na maisagawa ang pag-upgrade ng mga linya ng kuryente sa nasabing lugar.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang publiko na mag-ingat, partikular sa mga lugar na isasagawa ang pagkukumpuni at maintenance ng mga linya, at sundin ang mga nakapaskil na babala upang maiwasan ang anumang aksidente.

















