Nagpatuloy sa paghahanda ng mga polisiya at prayoridad para sa Bangsamoro ang mga miyembro ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa pamamagitan ng pagsasagawa ng policy agenda workshop kasunod ng halalan.
Bahagi ito ng Agenda 05 o Moral Governance and Strong Institutions, na naglalayong matukoy at mapaghandaan ang mga hakbang at polisiya na tutugon sa mga pangangailangan at kapakanan ng mamamayang Bangsamoro.
Ayon sa UBJP, nakatuon ang workshop sa pagbuo ng mga polisiya at prayoridad na magsisilbing gabay sa kanilang patuloy na paglilingkod sa Bangsamoro.
Binigyang-diin din ng partido na hindi nagtatapos sa halalan ang paglilingkod sa mamamayan.

















