Isinagawa ang clearing operation sa mga nakaparadang sasakyan sa kahabaan ng Gov. Gutierrez Avenue sa Cotabato City, ngayong Nobyembre 19, 2026, dakong alas-tres ng hapon.

Kasabay nito, ipinaalala sa mga motorista na mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpaparada ng mga sasakyan sa magkabilang panig ng Gov. Gutierrez Avenue, alinsunod sa kautusan ng pamunuan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM at ng City Government of Cotabato.

Ayon sa abiso, magpapatuloy ang pagpapatupad ng clearing operation sa lugar simula alas-sais ng umaga bukas, Nobyembre 20, upang maalis ang mga sasakyang nakaparada at matiyak ang pagsunod ng mga motorista sa bagong parking restriction.

Pinayuhan ang publiko na iwasan ang pagparada sa nasabing kalsada upang hindi maabala sa clearing operation at makaiwas sa posibleng paglabag sa ordinansa o kautusan ng mga awtoridad.