Mismong si Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua ang nag-utos sa mga pinuno ng pitong tanggapan at komisyon na magsumite ng unqualified courtesy o walang kundisyong pagbibitiw hanggang bukas, Nobyembre 20.
Sapul sa nasabing utos ang mga pinuno ng Bangsamoro Women’s Commission, Bangsamoro Youth Commission, Bangsamoro Sports Commission , Development Academy of the Bangsamiro, Office of the Bangsamoro Mujahideen Under Special Circumstances, Commission for the Preservation of Cultural Heritage at Bangsamoro Economic Zone Authority.
Batay sa inilabas na sirkular noong lunes, November 16, layunin nito ang mapalakas ang pananagutan sa pamamahala, matiyak na maayos ang pamahalaan at mapagbuti ang paghahatid ng serbisyo sa bawat Bangsamoro.
Pansamantalang mananatili sa tungkulin ang mga opisyal ng mga nasabing opisina habang hindi pa tinutugunan ng OCM ang kanilang pagbibitiw.
Gayunman, ang opisina na hindi magsusumite ng kanilang unqualified courtesy resignation hanggang bukas ng walang sapat na dahilan ay maituturing nang deemed resigned o nagbitiw na sa pwesto.

















