Nagpatawag ng emergency meeting ang Municipal Peace and Order Council (MPOC) ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong Huwebes, Nobyembre 19, 2026, kasunod ng pangamba ng mga residente dahil sa sunod-sunod na ulat sa social media tungkol sa mga insidente ng pamamaslang at pagnanakaw.
Pinangunahan ni Maungangen Mayor Abdulmain P. Abas Sr. ang pagpupulong, kasama si Councilor Sorab Lumanggal, mga opisyal ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG), mga lider ng barangay, at mga kinatawan ng kapulisan at militar.
Tinalakay sa pulong ang mga pinakahuling ulat hinggil sa seguridad at mga hakbang upang mas mapalakas ang pagbabantay sa bawat barangay at matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Hinikayat din ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad na ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang komunidad.

















