Atensyon sa mga kakandidato sa lungsod ng Cotabato, iyan man ay mapa Mayor, Vice Mayor maging konsehales ng lungsod! Nakatakda kasing isagawa ang filing ng Certificates of Candidacy sa lahat ng nagnanais kumandidato sa lungsod sa bagong venue nito na Shariff Kabunsuan Cultural Complex na matatagpuan sa BARMM Government Center sa lungsod pa rin ng Cotabato, mula Oktubre 1 hanggang 8, 2024.

Ito ay naging pabatid ng komisyon sa halalan na nakabase sa lungsod sa pamamagitan ng hepe nito na si Cotabato City Election Officer Atty. Norpaisa Manduyog. Minabuti nila na ilipat ang venue ng nasabing filing dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga kandidato na magfifile sa isang buong linggo na filing period.