Muling bubuksan sa publiko ang tinaguriang POPULAR HIKING “DOS”tination sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte ang Mount Minandar sa barangay Kusiong.

Nakalinya ang nasabing reopening sa selebrasyon ng buwan ng turismo at nag-iimbita sila sa mga hikers at mga nature lovers and enthusiasts para sa invitational climb na gagawin sa Setyembre 28.

Layunin ng nasabing invitational climb na maipalaganap ang ganda ng Bundok Minandar at maipalaganap ang sustenableng turismo ng bayan.