Mabagal at tila ‘di umuusad.

Ito ang inihayag nina BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim at MBHTE BARMM Minister Mohagher Iqbal ng matanong sa kasalukuyang takbo ng decommissioning process maging ang Normalization Process ng mga MILF at MNLF combatants.

Dismayado si Ebrahim sa itinatakbo ng naturang proseso at ito ay kanyang ipinakita sa isang pulong balitaan kasabay ng ginanap na pagpupulong ng mga miyembro ng MILF sa Camp Darapanan kahapon.

Sa usapin naman ng Normalization Process, sinabi ni Iqbal na siyang tumatayo na MILF Peace Implementing Chairman, hindi umabot sa kalahati at mas marami pa ang hindi naipapatupad sa naturang proseso.