Naglabas ng 7-0 na unanimous decision ang COMELEC EN BANC hinggil sa pagbabasura ng Motion for Reconsideration o MR na inihain ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao.

Ang mosyon ay may kaugnayan sa nauna nang nailabas na desisyon hinggil sa judicial recount ng resulta ng halalan noong taong 2022 na inihain ni former City Mayor Cynthia Guiani Sayadi.

Nakasaad sa desisyon na hindi kinatigan ng Comelec en banc ang kahilingan ng kampo ng alkalde dahil sa prohibited o ipinagbabawal na pleading na alinsunod sa Section 1, Rule 13 ng Comelec Rules of Procedure.