Hindi na umabot pang buhay ang isang dating kapitana ng Barangay New Kalibo sa bayan ng M’lang matapos itong aksidente na makuryente kamakalawa.

Kinilala ang nakuryente-patay na si Nimfa Francisco alyas Inday, nasa hustong gulang at may kabiyak. Batay sa impormasyon ng mga kaanak nito, malakas ang pagulan at basang basa si Francisco ng magtungo ito sa koral ng kanilang babuyan.

Hinawakan nito ang extension wire at nakuryente na ito. Hindi agad nakita ng mga kaanak nito ang biktima na nawalan ng malay at kalaunan naman ay namatay.

Nasa gitna ngayon ng pagluluksa ang mga kaanak ni Kapitana Inday at mga residente sa nasabing barangay dahil sa pagkawala ng naturang dating opisyal.