Nakatakdang ipakalat ng Police Regional Office – BAR o PRO BAR ang aabot sa apat na libong pulis sa rehiyon sa darating na Oktubre 1 hanggang 8, 2024.

Ito ay upang magbantay sila sa gaganaping paghahain ng kandidatura ng mga aspirante para sa National and Local Elections at upang masiguro ang kaligtasan at seguridad sa naturang aktibidad.

Samantala, nilinaw ng PRO BAR na kasama pa rin sa kanilang Area of Responsibility na tututukan ang lalawigan ng Sulu kahit na nagdesisyon na ang korte suprema na burado na ito sa mapa ng BARMM.