Napasakamay ng Regional Special Enforcement Team ng PDEA BARMM ang limang kababaihan na kinabibilangan pa ng isang Senior Citizen sa inilatag na drug buy-bust operations kahapon sa Mabini Street, Barangay Bagua 3 nitong lungsod.

Kinilala ni Agent Mon-Mon ang mga suspek na sina Salama Demalin alyas Bai, isang Senior Citizen, Yasmin Demalin alyas Yas, Mela Lucas alyas Mela, Iran Omar at Baikan Omar na mga residente sa lungsod.

Nasamsam dito ang kabuuang 100 grams ng suspected shabu na may halagang P680,000.00 sa national drug price.

Bukod pa diyan, nasamsam naman ang mga ebidensya kabilang na din ang P300,000.00 cash na buy-bust money.

Nasa Jail Facility na ng PDEA BARMM ang mga ito at nakatakdang sampahan ng kasong pagkabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of year 2002.