Tila return of the comeback ang nangyaring pagendorso ng partidong United Bangsamoro Justice Party o UBJP kay former Maguindanao Governor at Congressman Esmael Toto Mangudadatu sa pagkakongresista ng ikalawang distrito ng Maguindanao del Sur.

Napagkayarian na umano ani Mangudadatu ang nasabing endorsement upang matutukan ang pagsasaayos ng mga pangunahimg lansangan sa lalawigan lalo na ang highway mula sa Buluan patungong Datu Paglas.

Aniya, kung makakabalik daw siya sa pagiging kongresista ay marami pa siyang gusto na magawa para sa distrito nitong pinagsisilbihan.

Kaugnay naman nito, nanawagan ang dating mambabatas at gobernador na hari nawa ay manatiling maayos at mapayapa ang mga darating na araw hanggang sa susunod na taon na araw ng eleksyon.