Nasawi sa isang vehicular accident na kinasangkutan ng isang pick-up truck at isang light cargo truck ang dalawa habang anim naman ang nasugatan sa isang bahagi ng Highway sa Barangay Buda sa distrito ng Marilog sa Davao City kamakalawa.

Sinawimpalad sa aksidente sina Kristopher Alag at Ruel Activa habang sugatan sa aksidente ang mga sakay ng dalawang sasakyan na sina Larry Dela Cruz, Jessy Abando, Ruel Awe at Elmer Siputan at ang driver ng light truck na si alyas Jerwin na pawang na ginagamot sa ospital.

Ayon sa kapulisan na nag-imbestiga, nawalan ng preno ang nasabing light truck kaya ito lumihis sa kabilang direksyon ng pababang bahagi ng daan at nasapol ang kasalubong na pickup truck.