Umani ng samu’t saring reaksyon sa publiko ang tila ay family affair ng maginang sina former Batangas Governor Vilma Santos Recto, aktor at panganay nito na si Lucky Manzano at bunso nitong anak na si Ryan Recto matapos na sabay sabay itong maghain ng kanilang kandidatura sa pagkagobernador, bise gobernador at kongresista ng ika-anim na distrito ng Lipa kahapon sa opisina ng Comelec sa Batangas City.

Unbothered sa mga naging puna at nagpasalamat pa sa taumbayan na nagtitiwala sa kanila ang magiina dahil wala sila sa kanilang kinatitindigan kung wala naman din aniyang nagtiwala sa kanila.

Unang sabak ito ng magkapatid na si Lucky at Ryan sa pagiging pulitiko habang return of the comeback na ito na maituturing ng Star for all Seasons bilang Gobernador kung ito ay papalarin.

Sila ay tatakbo sa ilalim ng Partido Nacionalista – One Batangas coalition at sila naman ay sinamahan ni DOF Secretary Ralph Recto at misis ni Lucky na si Jessy Mendiola sa pagsusumite ng mga nito ng kanilang kandidatura.