Intensyon ng pagpapatuloy ng programa sa Kalusugan at mga pagawain na makakatulong para sa bayan ng Buluan, Maguindanao Del Sur.

Ito ang tututukan ng kumakandidato sa pagka alkalde ng bayan at negosyante na si JV Martinez para sa mamamayan ng Buluan.

Ayon kay Martinez, ang kakulangan ng potable water system, inuming tubig at mga serbisyong pangkalusugan ang isa sa tututukan ng kanyang Team Malimo.

Bukod pa rito, tututok din ang kanyang grupo sa proyekto na pabahay, kapayapaan at edukasyon na mula elementarya hanggang kolehiyo sa bayan ng Buluan. Nagdeklara ng pagnanais si Martinez na tumakbo sa pagkaalkalde ng Buluan ngayong 2025 elections.