Nagsumite na ng kandidatura sa opisina ng COMELEC-Buluan ang lineup ng Team MALIMO at ang Mayoralty Candidate nito na si JV Martinez na siyang ama ng aktres na si Jess Martinez kanina.

Kasama ng negosyante ang vice mayoralty aspirant nito at mga konsehales sa pagsusumite ng kandidatura.

Tatakbo si Martinez sa ilalim ng Team Aguila sa pamumuno ni Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.

Layunin ng kanyang pagtakbo ang pagpapatuloy ng mga nasimulan ng kasalukuyang administrasyon.

Ani Martinez, marami pa aniya ang dapat gawin sa bayan ng Buluan at taos-puso niyang hinihingi ang suporta at pakikipagtulungan ng iba pang mga kakandidato para magawa ito.