Pirmado ng mga alkalde ng lalawigan ng Maguindanao del Sur ang inilabas na statement of support nito para kay Special Assistant to the President Antonio Ernesto Anton Lagdameo Jr.

Ayon sa mga ito, ang kanilang manipesto ay bilang suporta at pagpapasalamat kay SAP Lagdameo sa di nito matatawarang tulong at dedikasyon sa tungkulin.

Ang kaniyang mga isinagawa na dialogo ay isa rin aniyang magandang halimbawa na nakakatulong upang magawa nila ang kanilang mga tungkulin bukod pa sa suporta at pag giya nito sa kanilang pamumuno.

Dahil dito, tahasan na nilang inilabas ang kanilang madiin na suporta kay Lagdameo sa pamamagitan ng nasabing statement of support. Kamakailan lang ay naglabas din ng kaparehas na suporta ang mga alkalde ng Maguindanao del Norte kay SAP Lagdameo.