Nakilala na ang biktima na binaril patay kahapon sa Datu Odin Sinsuat kahapon ng umaga.
Nakilala si alyas Rambo na si Juhari Karim y Saydona, 37 at residente sa Barangay Taviran ng nasabing bayan na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan nito.
Lumalabas sa initial report ng kapulisan na magiigib lang sana sa isang water station ng tubig na inumin ang biktima sa national highway sa lugar kasama ang tatlong anak nito ng maganap ang karumaldumal na insidente na mabilis tumakas sakay ng motorsiklo.
Tumalilis naman ang salarin matapos na maisakatuparan ang pagpatay sa biktima.