Walang pagsidlan ng saya ang mga taga lungsod ng Kidapawan makaraang mag Top 1 ang isang Kidapaweño na doktor sa katatapos lamang na PLC o Physician Licensure Exams.

Si Dr. Isaac Edron Jones Orig ng Davao Medical School Foundation ay taga Poblacion, Kidapawan City.

Nakakuha si Orig ng 89.33 percentage sa naturang pagsusulit.

Kabi-kabilang pagbati at pagbubunyi naman ang nakamit ng naturang bagong doktor kasama na din ang mga magulang nito.

Congratulations, Doctor Orig!