Matapos na mapaulat na kritikal sa pagamutan, pumanaw din kinalaunan ang isang lady announcer na pinagbabaril sa Barangay Tumaga, lungsod ng Zamboanga kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang lady announcer na si Maria Vilma Rodriguez, nagtatrabaho bilang broadcaster ng E-Media Production Network sa lungsod.

Naganap ang pamamaril sa nasabing mamamahayag sa tahanan nito sa Comet Tumaga kunh saan nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ang biktima mula sa mga riding in tandem na tumira dito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa motibo at para makilala ang tunay na salarin sa krimen.