Dumulog sa tanggapan ng pulisya ang 15 anyos na binatilyong ice cream vendor matapos holdapin at batukan ng baril sa habang papauwi sa Shariff Aguak, Maguindanao Del Sur mula Cotabato City upang maglako ng kanyang sorbetes.
Kinilala ang binatilyo na si Ali Mama Sakandal na residente ng Bario 3, Brgy. Poblacion.
Sa ulat ng kuya ng biktima, papauwi na ang kanyang utol ng pagsapit nito sa Brgy. Satan sa Shariff Aguak biglang pinara umano ng dalawang armadong kalalakihan ang biktima sakay kanyang motorsiklo.
Nakipagmatigasan pa ang biktima sa mga suspek dahilan upang batukan ito gamit ang di pa tukoy na baril at mawalan ng malay.
Natangay ang halos limang libong (5k) kinita ng biktima sa kanyang ice cream business.
Sa ngayon, nagpapagaling na si Sakandal sa Maguindanao Provincial Hospital.