Nag turnover at namahagi ng mga food and rice items ang Project Tabang BARMM sa mga residente ng Barangay Tamontaka 2, Cotabato City nitomg nakaraang sabado.
200 na 25kg ng bigas at 200 na foodpacks at groceries ang ibinigay sa mga residente ng lugar.
Pinangunahan ng Project Tabang BARMM at ng Barangay Kapitan na si Joven Pangilan ang nasabing pamamahagi.
Ang nasabing proyekto ay pinaglaanan ng pondo ni Chief Minister Ahod Ebrahim kung saan, tuloy-tuloy at walang putol ang pagtulong nito sa mga nangangailangang Bangsamoro.