Pabor si Datu sa Talayan Kagui Ali Midtimbang na mapostpone ang 1st Bangsamoro Parliamentary Elections sa susunod na taon patungong 2026.
Sa panayam ng mga mamamahayag, iginiit ni Datu Sa Talayan na marami pa aniya ang hindi pa natatapos sa Bangsamoro Transition Authority at ito ang dapat na matutukan.
Isa rin aniya sa kadahilanan ng Datu sa Talayan sa pagpabor ay upang maipatupad ang long lasting peace and order sa rehiyon.
Nauna nang sinuportahan ng 12 na alkalde sa Maguindanao del Sur ang postponement ng halalang parliamentaryo.