Tila naunsyami ang pag-ani ng isang magsasaka sa kinita nito sa kanyang “sideline” na pagtutulak ng iligal na droga ng maaresto ito ng City Police Drug Enforcement Unit sa Purok Mahogany, Doña Teresa Street sa Poblacion 3 sa lungsod kahapon ng hapon.
Nakumpiskahan ng mga taga CPDEU ang nasabing suspek na si Jeffrey Malang alyas Dhats na residente ng Sultan Kudarat Town sa Maguindanao del Norte ng apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P27,800.00 na nabili sa kanya ng isang poseur buyer.
Dahil dito, kulong sa presinto uno ang nasabing magsasaka at dito na ito aani ng sentensya sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.